11
:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
   

Missing You

Tagal na rin ng nakalipas pero parang walang nagbago
ako yung may gusto pero bakit hindi ko kaya? isang taon na rin ang nakalipas nung nawala ka sa buhay ko dahil rin sa ginusto ko to, ilang beses mo ko pinigilan pero hindi na ko nag-papigil. nadala ako ng sobrang takot na baka hindi tayo magkatuluyan eh. hindi ko alam gagawin ko. gabi gabi namimiss kita, araw-araw ikaw ang nasa isip ko. di ko na alam ang gagawin ko. gusto kitang itext, imessage sa fb pero alam ko na hindi mo naman ako papansinin na eh. feeling ko kasi hindi na ko deserving sa pagmamahal na binigay mo sakin. alam mo gusto kitang kamustahin, alalahanin kung ano na ba ang nangyayari sayo kaso di ko magawa pasensya ka na ah, hindi ko kasi mapigilan eh.
Oo marami akong nakilalang bago, nagustuhan pero higit na mas gusto pa rin kita kaysa sa kanila ikaw kasi eh, mahal na mahal mo ko pero sinayang ko yun. Ayoko lang kasi na dumating yung point na balang araw iiwan kita. kaso wala na eh nangyari na. At alam ko hindi ko na maibabalik pa. Nalaman ko na KAYA PALA KITANG HINDI IWAN eh. kaso iniwan pa rin kita. Napigilan ko na hindi ako umalis pero huli na ang lahat. Wala ka na, wala nang tayo. kailangan ko tong kayanin kasi nagawa ko na eh. Kahit alam kong mahirap. Ikaw kaya kamusta ka na? Alam ko naman na okay ka na eh. Mabuti naman kung ganun. Pero kung you feel the same. Pwede pa natin to pag-usapan. Magkaliwanagan na. Personal na. Ayoko na ng paligoy-ligoy. Kasi alam mo ba hirap na hirap na ako at mas nahirapan pa ngayon naiiyak na lang ako para kahit papano mailabas ko eh. Sorry talaga ah. Ayoko na kasi na ganito pa ko eh. Sana di ka nagbago. Sana akin ka pa rin
Nasasayo kung babasahin mo to oh hindi, Kung mabasa mo man, mas maganda para malaman mo na mahal na mahal pa rin kita ....hanggang ngayon.

Bebe yam ko..

Dear Bebe yam ko,
Alam mo mabasa ko lang ang pangalan mo sa inbox ko parang lumulutang ako sa saya , pag-gising ko ikaw agad ang hanap ko na baka may message ka sakin. Lalo na yung mga sweet message mo pa, ang saya agad ng simula ng araw ko , kasi ikaw nanaman ang makakausap ko nun . Sana nga lang nakakasama kita alam ko naman na mangyayari rin yun sa tamang panahon maghintay lang gustung-gusto na kita mayakap sa totoo lang talagang mahal kita, mahal na mahal kita , galit ka man o hindi kayang kaya mo mag-tiis sa akin kahit galit na galit ka na yung di nagbabago pagtingin mo tuwing inaangkin mo nga ako na sayo mismo, parang kulang lang na sabihin kong mahal kita eh feeling ko kasi gusto ko sayo na talaga ako yung taong hindi ako bibitawan kahit anung mangyari ang sarap magmahal ng taong tulad mo, ang sarap mong mahalin kung may hihilingin nga lang akong taong makakasama ko sa habang buhay sana ikaw na yun lahat yata ng gusto ko sa lalaki na sayo na eh hindi ko na iisa-isahin basta ikaw na yun m-i-s-m-o.


Iloveyousomuch bebe yam ko

..habang sinusulat ko tong blog na to hindi ako makatulog nasa isip ko, sana nandito ka na lang...

New Love, New Life, New Happiness

Hindi ko na maalala ang buong pangyayari, hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Salamat sa isang kaibigan dahil sa paghahanap ko ng isang bagay ay nakatagpo ako ng isang forum site na active lang ako dahil may nakikita akong tricks at kung anu anu pero binuhay ko ang profile na yun simula nung naramdaman kong nag-enjoy ako sa site, at lalo pa akong naganahan nung marami akong nakilala. Naging kaibigan.

Pero isang araw yung pinakauna kong naging close sa isang forum site may pinakilala sakin.
Nagtaka ako bakit? Hanggang sa pang-aasar, asar lang ng asar, nahihiya pa nga ako dahil staff siya sa site. Boss kung baga. Hanggang sa naging close, nagkaroon ng katawagan, nagshare ng kung anu anung bagay kahit walang kwenta, sa lungkot at saya.. Sa inis.. Kaya araw araw minuminuto nakaonline ako dun. Hindi lang dahil sa sasagutin ang mga tanung ng mga tao kundi dahil sa kanya.

Kakaibang saya, kakaibang pakiramdam.
Mahal na mahal niya ko at nararamdaman ko yun at ganun rin ako sa kanya. Napupuyat ako halos di na natutulog dahil sa kanya hinihintay ko siya. Di nabubuo araw ko pagdi ko nakakausap.

Sa kanya na ako masaya ngayon sana di na matapos to. Iiyak ako panigurado makita sana kita ng personal. :)

"Alam mo, buo na ko makausap lang kita, araw-araw ikaw lagi hanap ko, kung pwede, ayaw ko sanang matapos yung mga minutong nakakausap kita. Kontento na ko sayo, sana ganun ka rin, wag ka na mawala please"

It's Over

Grabe ayoko na, sobra na to kasi naman eh, pinangako ko ngayong 2013 na move on stage ko na to sa kanya hindi ko na siya kinikwento sa iba pero bakit hindi ko mapigilan ang bibig ko? Marinig ko lang ang name niya i feel whatever na nagaganahan ako tska nakakainis pa tuwing naririnig ako na nagkukwento about sa kanya, nakakainis talaga, at parang ang pangit na niya sa paningin ko, parang bitter eh! Wala nanaman kaming komunikasyon pero bakit di ko pa siya masuko nakakapraning eh kainis. Sana itong post na to ang magiging batayan na wag ko na siya alalahin at ikwento pa sa iba ayoko na mangako na sa utak lang kundi pinost ko na sa diary na to para stop na.

12/12/12 Lucky Birthday..

hayun, birthday ko nanaman, simple lang naman kung tutuusin :)) dagdag age nanaman :))

Wala naman akong kinumbidang bisita eh :))
Nung naglinis lang ako ng mukha ko so wala ng make-up tapos oh my! Yung si EX dumating hinatid siya ng dad niya nagulat ako promise yung ex kong nadedsibol ako na di ko akalaing pupunta pala.. Haha! Wow nagkita kami ulit wala naman akong hiniling na gift sa kanya eh ok lang walang expect :)) tapost di ko lang gusto may hikaw siya madami sa tenga kung sansan ang pogi sana pero ayoko lang lang na may ganun siya anak pa man din ng pastor eh :/ nakapag-usap naman kami kahit konti kahit medyo nahihiya.. Wala ako masabi di ako makatingin sa kanya haha. :))

Tapos sumunod naman yung manliligaw na nagbigay ng gift saken unexpected din kasi ayoko kumbidahin naku naman! Natatawa ako kasi katabi ko ex ko eh tapos hahaha alam mo na pero di ko kasi type eh.. Sa totoo lang talaga.. Wala akong feelings pero hindi ko naman pwede itakwil syempre tsk! Bukas pag-uusapan nanaman to dito sa bahay panigurado promise hay ewan atleart nakita ko yung cute kong ex hehe thank God for this day.


Goodnight.

Instagram

Instagram

Twitter!

TAGBOARD!

Friend Request

Want to be friends with this user.

Montly Achieve

Previous Posts

Categories

Facebook


Ads

Profile

Keala Yuriko Kazumori

Author:Keala Yuriko Kazumori
Filipino Name: Keala Luayon
Code Name: kurrochi
B-day: December 12
Language: Tagalog, English, Japanese
Profession: Student, (Singer)
Music Genre: JPop, PPop, KPop

Links

Calendar

10 | 2017/11 | 12
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
- - - 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 - -

Mail form

Name:
Mail address:
Subject:
Body:

Visited

QR

QR